Kung dinggin mo lang sana ang Kanyang mga awit,...
Ika'y Kanyang isasayaw...
Pagkat ang bakit Niya'y ikaw at ang sino Niya'y ikaw...
Ikaw na sa kadilima'y nadadapa't sumisigaw
Siya ang tanging lunas at ang walang hanggang Ilaw
Ngunit ika'y nakadungaw at malayo ang tanaw
Umaasa't naghihintay ng panandaliang bulalakaw
Tinatawag ng buhay ngunit habol ay pagpanaw
Nagtitiis sa lamig bagama't nariyan ang Araw
Kailan, kaibigan?
Kailan ka lilingon sa Kanyang mga hiyaw?